^

Bansa

Bong Go hindi nakialam sa ‘frigate’ - DND, Phl Navy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Bong Go hindi nakialam sa �frigate� - DND, Phl Navy

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay ng umano’y isang dokumento na pumapabor sa isang supplier ng naturang proyekto, na ibinigay daw ni Go kay Lorenzana.

KJ Rosales

MANILA, Philippines — Hindi nakialam si Special Assistant to the President Bong Go sa Navy frigate-acquisition project ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay ng umano’y isang dokumento na pumapabor sa isang supplier ng naturang proyekto, na ibinigay daw ni Go kay Lorenzana.

Anya, inindoroso niya ang dokumento kay dating Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Ro­nald Joseph Mercado para aksyunan, na sinasabing may nakasulat na “note” na may pangalan ni Sec. Go. 

Pinabulaanan din ni Mercado na nakialam si Go sa naturang proyekto.

Binigyang diin ni Lorenzana na inakala lamang na kay Go nangga­ling ang dokumento dahil sa Palasyo niya tinanggap ang dokumento.

Nakasaad pa rito na ang pag-forward ng mga dokumento sa Malacañang sa mga concerned government agencies para aksyunan ay responsibilidad ng Presidential Management Staff (PMS) na pinamumunuan ni Secretary Go. 

Nilinaw din ng Defense department na walang anumang “guidance” o pahiwatig sa kanila mula sa Palasyo o mula kay Go para paboran ang naturang supplier. 

Tiniyak pa ng DND na mayroon nang kontrata para sa Navy Frigate Aquisition Project at ito ay istriktong ipatutupad alinsunod sa nilagdaang kasunduan.

Ang dokumentong tinutukoy ay mula sa Hanwa, isa sa mga supplier ng Combat Management System para sa dalawang barkong binili ng Philippine Navy sa Hyundai Heavy Industries ng South Korea. 

Una ng sinabi ni Go na magbibitiw siya sa gobyerno kapag napatunayang totoo ang ibinibintang sa kanya.

Samantala, wala ng balak ang Malacañang na magsagawa ng sariling imbestigayon kaugnay sa umano’y pagkakasangkot ni Go sa frigate deal ng DND.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mismong sina Lorenzana at Mercado na ang nagsabi na hindi pinakialaman ni Go ang naturang kontrata.

Bukod dito, napaso na rin umano ang 24 oras na itinakdang deadline ni Pa­ngulong Duterte sa Rappler na maglabas ng ebidensiya laban kay Go para masibak ito sa puwesto.

vuukle comment

DEFENSE SECRETARY DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with