^

Bansa

Phivolcs nag-aerial inspection sa Mayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng pagsusuri kahapon ang mga miyembro ng Quick Response Team ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nang ilunsad ang aerial inspection sa bunganga ng bulkang Mayon sa Bicol.

Ang team ng Phivolcs ay sinamahan ng Philippine Air Force Tactical Operations Group upang aktuwal na makita ang mga pagbabago sa bulkan at mga aktibidad nito bunga ng patuloy na pag-aalboroto.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang bulkang Mayon ng lava collapses, rockfall events, pyroclastic density currents at volcanic earthquake.

Ang pagbagsak ng mga nagbabagang bato ay mula naman sa pag-collapse ng lava mula sa bunganga ng bulkan partikular sa may Miisi Gully, Matanag at Buyuan Gullies.

Patuloy din ang pagbubuga ng abo at asupre mula sa Mayon na nagdudulot ng epekto sa mga tao sa paligid ng bulkan at mga pananim.

Sa ngayon, nananatiling nasa alert level 3 ang bulkan at patuloy na pinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone at 7 kilometer extended danger zone.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with