SWS: Duterte admin ‘excellent’ ang net satisfaction rating
MANILA, Philippines — Nakakuha ng “all-time high” na excellent na grado ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa huling quarter ng 2017, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Lumabas sa pinakabagong survey ng SWS na 79 percent ng mga Pilipino ang nagsabing nasisiyahan sila sa tinatrabaho ng administrasyon, habang nine percent ang nagsabing hindi at 12 percent ang hindi tiyak.
Dahil dito ay nakakuha ang administrasyon ng +70 net satisfaction rating na “excellent” malayo sa +58 nla na “very good” noong Setyembre 2017.
Nalampasan din ng Duterte administration ang +66 ni dating Pangulo Benigno Aquino III na naitala noong Hunyo 2013.
Tinanong ang 1,200 respondents ng “Sa pangkalahatan, gaano po kayo nasisiyahan o hindi nasisiyahan sa kasalukuyang administrasyong nasyonal? kayo po ba ay lubos na nasisiyahan, medyo nasisiyahan, hindi tiyak kung nasisiyahan o hindi, medyo hindi nasisiyahan, o lubos na hindi nasisiyahan?”
Isinagawa ang survey noong Disyembre 8 hanggang 16.
- Latest