4 mobile patrol, 30 submachine guns ititurn-over sa Aviation Security Group
MANILA, Philippines — Pangungunahan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ De La Rosa, ang turn- over ng apat na brand new four units na mobile patrol at 30 sub machine guns sa mga tauhan ng PNP Aviation Security Group, ngayon umaga.
Personal na ibibigay ni De la Rosa ang mga nasabing kagamitan kay PNP Aviation Director Sheldon Jacaban para magamit ng mga tauhan ng huli sa paliparan.
Gayunman, inaasahan ng Aviation securities kung sino ang papalit sa magreretirong si Jabacan matapos ang kanyang mandatory retirement sa katapusan ng buwang ito.
Samantala, pasisinayaan din ni dela Rosa ang bagong multi-purpose ng Aviation Command.
- Latest