^

Bansa

BOC, may bagong panuntunan sa accreditation ng importers, brokers

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang Bureau of Customs (BOC) na lamang ang tanging may kapangyarihan para mag-apruba ng accreditation ng mga importer at broker.

Sa ilalim ng bagong memo­randum na may petsang January 11, 2018, ang aplikasyon para sa accredi-tation, pagsuspindi, pagba­wi, pagkansela at muling pagbuhay ng accreditation ng mga importer at customs broker ay dadaan nang lahat sa pag-apruba ng BOC Commissioner batay sa rekomendasyon ng Account Management Office (AMO) ng ahensya.

Ang mga importer at customs broker na hindi naman naaprubahan ang aplikasyon ay maaaring maghain ng kahilingan “request for reconsideration” sa hepe ng AMO. Sa ilalim ng dating sistema, ang hepe ng AMO ang nag-apruba sa accreditation habang ang Deputy Commissioner ng Revenue Collection Monitoring Group ang nangangasiwa naman sa pagsuspindi, pagpapawalang bisa at pagkansela ng accreditation.

Samantala, sa isang hi­walay na memorandum, nag­higpit na ang BOC sa bilang ng mga awtorisadong kinatawan ng customs broker na makikipagtransaksyon sa ahensya.

Ang mga customs broker ay obligadong magsumite sa AMO ng mga pangalan ng tatlong awtorisadong kinatawan sa bawat pantalan.

Maari namang pagbig­yan ng BOC ang karagdagang kinatawan ng customs broker pero ito ay nakadepende sa bulto ng transaksyon.

Sa rekord ng BOC nitong December 2017, may kabuuang 14,795 importer at 1,888 customs broker ang aktibong nakikipagtransaksyon sa BOC. Noon ding 2017, aabot sa 204 importer at 94 customs broker ang sinuspinde dahil sa mga paglabag sa customs at tariff laws.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with