^

Bansa

Leni nababahala sa lagay ng press freedom

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasunod ng desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na bawiin ang registration ng Rappler – ang kilalang online news outfit, nababahala si Vice President Leni Robredo sa kalagayan ng press freedom at freedom of expression sa bansa.

Nagpahayag si Robredo ng kanyang saloobin sa kautusan ng SEC kung saan lumabag umano ang Rappler sa restriksyon sa foreign ownership at kontrol sa mass media entity.

Ayon pa sa bise presidente, nakakapag-alala ang pangyayari dahil alam nating lahat na ang kalayaan ng pamamahayag, ang kalayaan sa pagpapahayag ay kabilang sa mga karapatan na protektado sa ilalim ng ating Konstitusyon. Alam din umano ng lahat kung bakit natin kailangan ang media at ang layunin nitong maglingkod bilang bantay at subaybayan ang mga pang-aabuso ng mga nasa gobyerno.

Anuman umanong pagtatangka na supilin ang kalayaan ng pamamahayag at pagpapahayag ay kailangang maging alalahanin ng bawat Pilipino

Kasabay nito ay hinikayat ni Robredo ang mga Pilipino na aktibong makiisa sa mga isyu sa bansa. Panahon na umano upang ang bawat mamamayan ay makibahagi at huwag isipin na lahat ng pagpapasya ay sa gobyerno o Kongreso lamang. At dahil tayong lahat ay bahagi ng institusyon kailangang marinig umano ang ating boses.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with