^

Bansa

Pagbili ng luxury car ni Sereno may paglabag - SC officials

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May paglabag umano sa Government Procurement Reform Act ang pagbili ng luxury car ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Inamin ito ni Atty. Ma. Carina Cunanan, pinuno ng SC Procurement sa pagharap niya sa House Committee on Justice sa pagdinig ng impeachment case ni Sereno.

Ayon kay Cunanan, bago pa ang pagbili ng sasakyan ay inatasan na sila ni Procurement Planning Committee member Atty. Michael Ocampo na Toyota Land Cruiser ang bilihin dahil ito ang gustong sasakyan ng punong Mahistrado.

Giit naman ni Majority leader Rodolfo Fariñas na sa ilalim ng umiiral na procurement laws, ang pagbibigay ng brand ay pinagbabawal at ang dapat lamang ay ang pagbibigay ng specification ng sasakyan para sa pagbili para maging patas naman sa iba pang brand.

Pagtatanggol naman ni Atty. Thelma Bahia, head ng SC Bids and Awards Committee, na hindi nila specific na nilagay ang brand kundi specification lamang kahit na mayroon ng endorsement na kumuha ng Land Cruiser.

Si Sereno ay inakusahan ni Atty. Larry Gadon ng korapsyon at maluhong pamumuhay dahil sa pagbili ng bagong Toyota Land Cruiser 2017 top of the line model bilang kanyang personal na sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit sa P5 milyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with