^

Bansa

Lahar, putik ng Mayon raragasa

Pilipino Star Ngayon
Lahar, putik ng Mayon raragasa

Puspusan na ang paglilikas ng mga residente sa Albay dahil sa banta ng pag-agos ng lahar at putik mula sa bulkang Mayon bunsod ng patuloy na pag-ulan. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng panganib ng pagdaloy ng lahar at putik mula sa bulkang Mayon dahil sa mga pag-ulan sa Bicol Region.

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Romina Marasigan na nasa red alert status ang Albay Provincial Disaster Risk Management Center (PDRRMC) habang isinailalim na rin sa state of calamity ang buong lalawigan. Kanselado rin ang pasok ng mga eskuwela sa lahat ng antas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may 143 lava collapse events at isang tremor event ang naitala sa natu­rang bulkan.

Ang lava collapse ay kakapalooban ng pagbagsak ng mga bato na may kasabay na lava na bumababa sa may dalisdis ng bulkan particular sa Miisi, Matanag at Buyuan Gullies na nasa loob ng Permanent Danger Zone (PDZ). 

Ang aktibidad na ito ay sinasabayan din ng pagbubuga ng abo papuntang timog kanlurang bahagi ng bulkan.

Nakapagtala din ang bulkan ng pagsingaw ng may 3293 tonelada ng asupre.

Patuloy namang ipinaiiral ang Alert Level 3 sa Mayon na nangangahulugan na anumang araw mula ngayon ay maaari nang sumabog ang bulkan.

Patuloy ding pinapayuhan ng Phivolcs ang mga tao na huwag papasok sa loob ng 6 kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ) at sa 7 km Extended Danger Zone (EDZ) sa may katimugang bahagi ng bulkan dahil madalas dito ang pagbagsak ng nagbabagang bato at hazardous volcanic flows.

Pinagbabawalan na rin ng ahensiya na makalapit sa may bulkan ang alinmang sasakyang panghimpapawid dahil delikado at mapanganib dahil sa inaasahang pagsabog ng Mayon. 

Dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Mayon, sinabi ni Marasigan na umaabot na sa 9,480 pamil­ya o 38,939 katao ang apektado mula sa 36 barangay sa Albay.

Kabilang sa mga apek­tadong munisipalidad ay ang Camalig, Guinobatan, Malilipot, Daraga, Sto. Domingo; gayundin ang mga lungsod ng Ligao, Tabaco at Legazpi. (Joy Cantos/Angie dela Cruz/Jorge Hallare)

vuukle comment

MAYON VOLCANO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL (NDRRMC)

NDRRMC SPOKESPERSON ROMINA MARASIGAN

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY (PHIVOLCS)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with