^

Bansa

Paghahain ng COC sa barangay polls sisimulan sa Abril

Pilipino Star Ngayon
Paghahain ng COC sa barangay polls sisimulan sa Abril

MANILA, Philippines — Tatlong buwan mula ngayon ay magsisimula nang tumanggap ng certificates of candidacy (COCs) ang Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Mula Abril 14 hanggang Abril 20 maaaring magpasa ng COC ang mga nais tumakbo sa barangay at SK polls na gagawin sa Mayo 14.

May siyam na araw lamang ang mga kandidato upang mangampanya mula Mayo 4 hanggang Mayo 12 at mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa mismong araw ng halalan.

Kabilang sa ipinagbabawal ang pamimigay ng donasyon at regalo, ayon kay Comelec spokesman James Jimenez.

Magbubukas ang mga presinto simula alas-7 ng umaga at magsasara ganap na alas-3 ng hapon.

Sinabi ni Jimenez na gagamitin pa rin ng Comelec ang mga balotang naimprenta na nitong nakaraang taon na para sana sa hindi natuloy na Oktubre 2017 elections.
 

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with