^

Bansa

‘Doble kayod’ sa dobleng sahod ng mga pulis, giit

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Northern Police District (NPD) Director Amando Empiso sa kanyang mga tauhan partikular ang mga Police Officer 1 na doblehin ang kanilang kayod sa trabaho makaraang maging higit pa sa doble ang naidagdag sa kanilang mga suweldo ngayong 2018.

“Remind ninyo ang mga tropa lalo na ang mga PO1 dahil sila ang may pinakamalaki na increase, to work harder.  Doble na ang suweldo kaya dapat doble rin ang trabaho,” paalala ni Empiso sa mga opisyal ng NPD kabilang na ang mga chief of police ng Caloocan, Malabon, Valenzuela at Navotas sa isinagawang “New Year Call” kahapon sa NPD Headquarters.

Pinasalamatan rin ni Empiso ang dagdag na suweldo na dapat umano ay dumiretso sa mga misis ng mga pulis lalo na ang mga baguhang tauhan o mga PO1 na mula sa P14,000 base bay ay umakyat na sa P29,000.

Sa kabila naman umano na nalagay sa “spotlight” sa media ang NPD dahil sa sari-saring kontrobersya, ipinagmalaki ng heneral na bumagsak ng 30.2% ang naitalang “focus crime” sa 2017 kumpara noong 2016. 

Pinakamalaki naman na ibinaba ang mga kaso ng “homicide” na umabot ng 69.7% ngunit ang naitalang mas konti na kaso ay naging kontro­bersyal naman tulad ng “Kian Lloyd Delos Santos at Carl Arnaiz cases” sa Caloocan City.

Sa muling paglulunsad ng “Oplan Tokhang”, inatasan ng opisyal na sundin ang “procedures” sa pagkatok sa mga bahay ng mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga habang titiyakin na mas magiging payapa ang kampanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with