Pasig River babango na - PRRC
MANILA, Philippines — Good news dahil babango na ang Pasig River.
Ito ay matapos pasinayaan ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang “Granulated Coal Ash Based Pullutant Water Treatment System” sa Estero de San Miguel, kahapon ng hapon.
Ayon kay Executive Director Jose Antonio Goitia ng PRRC, ang installation ng Granulated Coal Ash ay siyang sagot para maalis ang mabaho o masangsang na amoy ng tubig sa Pasig River.
Sinabi ni Goitia, kauna-unahan sa bansa ang paglalagay ng water treatment sa Estero de San Miguel na na-imbento at sinaliksik ng Institute of Civil Engeering at Environmental Engineering program ng University of the Philippine (UP) Diliman sa pangunguna ni Dr. Maria Antonia Tanchuling sa tulong ng Hiroshima University ng Japan na si Dr. Tadashi Hibino.
Ani Goitia, ang “joint reserch project” ay locally produced mula abo at uling na hinalo sa “fly ash cement”.
Sa oras na magtagumpay ang “pilot project” sa Estero de San Miguel ay maglalagay pa sa PRRC sa kabuuan ng Pasig River at mga sapa na nag-uugnay at dinadaluyan nito.
Anya, malaking tulong ang nasabing project para muling maibalik ang ganda at ningning ng Pasig River at muling mabuhay ang mga isda sa ilog.
- Latest