^

Bansa

Pagkain ng tahong sa 8 lugar ipinagbabawal ng BFAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain, pag­hango at pagbebenta ng shellfish products tulad ng tahong talaba at halaan mula sa walong lugar sa bansa.

Ito ayon sa BFAR ay dahil mataas ang toxicity level ng lason ng red tide sa mga baybayin ng walong lugar batay sa naisagawang water sampling dito.

Ang mga lugar na may lason ng red tide ay ang mga baybayin ay sa Irong-Irong Bay sa Western Samar,  Matarinao Bay sa Eastern Samar, Coastal waters ng Leyte, Carigara Bay sa Leyte, Lianga Bay sa Surigao del Sur, Honda Bay, Puerto Princesa City, Palawan, Coastal waters ng Mandaon sa Masbate at  Coastal waters ng Bataan sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang BFAR sa mga lokalidad sa nabanggit na lugar na selyuhan ang mga nasasakupang lugar upang hindi makarating sa mga pamilihan ang mga shellfish products na mula dito.

Sa kabila nito, sinabi ng BFAR na maaari namang kainin ang mga lamang dagat tulad ng isda, pusit, hipon at alimango mula sa nabanggit na mga lugar basta’t linising mabuti at alisin ang bituka ng isda bago lutuin.

Ang mga taong makakakain ng shellfish products na may red tide ay maaaring magsuka, mag-diarrhea, lagnatin o maaaring makamatay kapag pinabayaaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with