^

Bansa

ConAss na!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Kamara ang House Concurent resolution no. 9 na nagko-convene sa Kongreso bilang Constituent Assembly o ConAss para amyendahan ang Konstitusyon.

Bagamat tinangka pang harangin ng Makabayan bloc at ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza ang botohan ay hindi pa rin napigilan ang liderato ng Kamara na pagbotohan ang naturang resolution sa pamamagitan ng viva voce vote.

Bukod dito, nauna na rin kinuwestyon ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang quorum para itigil ang pagtalakay sa resolution no. 9 nina ABS partylist Eugene de Vera at Pampanga Rep. Dong Gonzales kaya muling nag-roll call at umabot sa 186 ang present na mga kongresista kaya nagtuloy pa rin ang debate tungkol sa ConAss.

Tulad ng ibang re­so­lusyon at panukala ay ita-transmit ito sa Senado para i-concure ng mga Senador at kung hindi naman ay mababalewala lamang ito o matetengga sa Mataaas na Kapulungan.

Para sa chairman ng Committee on Constitutional Amendment na si Roger Mercado, kahit ipasa nila sa Kamara ang nasabing resolusyon sa bandang huli ay ang taumbayan pa rin ang magdedesisyon nito dahil idadaan pa ang panukala sa referendum.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with