^

Bansa

Unli term sa solons niluluto

Butch M. Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gustong gawing unli o unlimited ang termino ng mga mambabatas na bubuo ng Kongreso sa ilalim ng Federal Government na tatawagin namang Federal Assembly.

Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments, isinusulong ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na gawing limang taon ang panunungkulan ng mga miyembro ng Federal Assembly nang walang limit sa reeleksyon.

Balak ding gawin na limang taon ang termino ng presidente na may isang re-election, habang ang prime minister ay ihahalal ng mga miyembro ng FedAss.

Sakaling mapagtibay ang Federal Constitution, maariing muling tumakbo sa pagkapangulo si Pa­ngulong Duterte.

Dahil dito kaya ang posisyon at tanggapan naman ng Bise Pesidente ay mawawala na dahil ang presidente at prime minister na ang mamumuno sa bansa.

Sa ilalim din ng panukala na isinusulong para sa Charter Change o Chacha, magkakaroon ng limang rehiyon ang bansa, ito ay ang Luzon, Visayas, Mindanao, ARMM at Metro Manila.

Kaya ang FedAss ay magiging bicameral pa rin, hati ng Senado at Kamara.

Ang Kamara ay bu­bu­uin ng 300 miyembro, 20% pa rin nito ang mula sa partylist, habang ang Senado ay bubuuin ng 39, kaya nangangahulugan ito na ang kasaluyang 24 na Senador ay madagdagan ng tig-tatlo pa para sa bawat rehiyon.

Sakaling maaprubahan ang bagong Federal Constitution, ay maidaraos ang unang halalan sa ilalim nito sa ikalawang lunes ng Mayo 2022.

Samantala, isa naman sa mabigat na panukalang amyenda sa Saligang batas ay ang pagbuwag na ng Office of the Ombudsman.

Ito ay dahil ayon kay Committee vice-chairman Vicente Veloso ang trabaho ng Ombudsman ay duplication na lamang ng trabaho ng Department of Justice (DOJ).

vuukle comment

FEDERAL GOVERNMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with