Leni ‘very good’ na ang trust rating – SWS
MANILA, Philippines – Malaki ang itinaas ng trust rating ni Bise President Leni Robredo para sa huling tatlong buwan ng 2017, base sa Social Weather Stations (SWS).
Sa pinakabagong survey na inilabas ng SWS nakakuha ng +52 net trust rating si Robredo na pasok sa kategoryang “very good.”
Mas mataas ito ng 16 puntis mula sa +36 niya noong third quarter ng nakaraang taon.
Isinagawa ang survey noong Disyembre 8 hanggang 16 kung saan 66 percent ng mga Pilipino ang nagbigay ng “much trust” sa bise president.
Nasa 14 percent naman ng 1,200 respondents ang nagsabi na may “little trust” sila kay Robredo at 20 percent ang undecided.
Tinanong ang mga sumagot ng survey ng: "Maari po bang sabihin ninyo kung ang pagtitiwala ninyo kay (Leni Robredo) ay napakalaki, medyo malaki, hindi tiyak kung malaki o maliit, medyo maliit, napakaliit, o wala pa kayong naririnig o nabasa kahit na kailan tungkol kay (Leni Robredo)?"
- Latest