^

Bansa

3 katao nalunod

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi matapos malunod sa magkakahiwalay na insidente sa Kalinga, Zamboanga del Norte at Pangasinan kamaka­lawa.

 Sa ulat ng Cordil­lera Police, dakong alas-9:30 ng umaga nang malunod sa Chico River ang biktimang si Robert Tocyapao, 46-anyos ng Brgy. Balinciagao, Pasil, Kalinga.

 Kasalukuyang lulan ng bangka ang biktima at pitong iba pa nang tumagilid ang bangka nang mawalan ito ng balanse bunsod upang mahulog ang biktima at malunod sa ilog. Ang pito nitong kasamahan na magpi-piknik sana sa ilog ay nagawa namang makaligtas sa insidente.

 Iniulat naman ng Zamboanga del Norte Police ang pagkalunod ng biktimang si Gregorio Cabigas, 22-anyos sa  Talabukan River na nasasakupan ng Brgy. El Paraiso, La Libertad ng lalawigan.

 Nabatid na ang biktima ay tinangay ng malakas na agos matapos na mapagawi sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa malunod ito. Ang bangkay nito ay narekober makaraan ang ilang oras nang lumutang sa ilog.

 Sa isa pang insi­dente, bandang alas-8:00 naman ng umaga nang malunod sa sapa ang biktimang si Juanito Leal, 47-anyos sa Brgy. Pa­cuan, Malasigui, Panga­sinan.

Nabatid na ang biktima ay nagbibisikleta sa Brgy. Road sa lugar patungo sa bahay ng isang barangay kagawad na si Cecilia Lamsen ng Brgy. Goliman ng bayang ito nang mahulog sa sapa sanhi ng madulas na daan sa lugar.

 Bunga nito ay bumulusok sa sapa ang bisikleta ng biktima at sumubsob ang ulo nito sa tubig hanggang sa malunod.Sinasabing ang biktima ay nasa impluwensya ng alak nang mangyari ang insidente.

Samantalang wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad sa tatlong insidente ng pagkalunod ng mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with