Mayor ng Samar, pinasususpindi ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Pinasususpindi ng tanggapan ng Ombudsman ng tatlong buwan si Talalora Samar Mayor Leonilo Costelo matapos itong kakitaan ng probable cause sa simple neglect of duty dahil sa dalawang beses na paglabag sa Article 218 ( Failure to render Accounts) ng Saligang batas.
Sa imbestigasyon ng Field Investigation Office ng tanggapan ng Deputy Ombudsman sa Visayas, noong Mayo 16, 2014 , si Costelo ay nakatanggap umano ng P18,159.00 bilang cash advance sa kanyang pagtungo sa isang forum sa Pasay City at tumanggap din umano ng P370,000.00 noong Disyembre 3, 2014 para sa relief operations ng typhoon ‘Ruby’.
Ang naturang cash advances ay nananatiling unsettled at unaccounted.
Sa kanyang counter affidavit sinabi ni Mayor Costelo na ang delay ng mga isusumiteng dokumento ay sanhi umano ng reconstruction nito makaraang masira sa nagdaang kalamidad.
“Respondent’s obligation to liquidate said cash advance (for travel expenses) had already attached even before typhoon Ruby hit the municipality of Talalora on 6th of December 2014.” ayon sa Ombudsman.
Kinuwestyon din ng Ombudsman kung bakit sa tagal ng dalawang taon ay hindi nito natapos ang pag-reconstruct sa mga nasirang dokumento dahilan kaya hanggang sa ngayon ay unliquidated pa rin ang cash advance ni Costelo.
- Latest