Dante Jimenez bagong chair ng Anti-Corruption Commission
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Volunteers Against Crime and Corruption president Dante Jimenez bilang pinuno ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Nilagdaan ang appointment paper ni Jimenez nitong Enero 12 ngunit ngayon lamang ito inilabas sa publiko.
Kilalang taga suporta ni Duterte si Jimenez na nagsusulong ng malinis na gobyerno.
Binuo ang PACC nitong Oktubre upang tutukan ang pamumuhay ng mga opisyal ng gobyerno at tiyakin na walang magaganap na katiwalian.
Sila ang magrerekomenda kung dapat bang suspendihin o sibakin sa pwesto ang mga mahuhuling opisyal.
Ang VACC sa pangunguna ni Jimenez ang naghain ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ngunit kalaunan ay nabasura rin ito.
Pinagbantaan din niya si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na sasampahan ng impeachment case.
- Latest