^

Bansa

Barker kalaboso sa pagmumura sa lady prosecutor

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang isang barker ng pampasaherong dyip nang tapikin at pagsalitan ng masasama ang isang lady prosecutor sa Sta. Cruz, Maynila, Sabado ng umaga.

Nahaharap sa reklamong unjust vexation ang barker na si Ma. Theresa Tolentino, 55 anyos, residente ng Isagani st., Tondo.

Sa salaysay ni Manila City Prosecutor Ma. Josefina Concepcion, ng Isarog St., Paang Bundok, Quezon City, sa pagitan ng alas-10 hanggang alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente.

Papasakay ng pampasaherong dyip ang prosecutor kasama ang anak na babae sa panulukan ng Blumentritt at Isagani Sts., sa Sta. Cruz nang aksidenteng matapik umano ni Tolentino ang ginang subalit sa halip na humingi ng pasensiya ay masasamang salita pa ang pinakawalan nito na ikinapahiya ng biktima.

Dahil dito, nagsuplong si Concepcion sa Blumentritt-Police Community Precinct (PCP) dahilan upang arestuhin si Tolentino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with