^

Bansa

3 bebot kulong sa iskandalo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong babae ang nahaharap sa kasong “breach of peace” dahil sa pagmumurahan, pagsisigawan at paghahamunan ng away sa gitna ng mataong kalye kahit inaawat sila ng mga pulis sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kalaboso sa reklamong paglabag sa Revised Ordinance Section 844 ang mga sangkot na sina Marilou Silverio, 46,.ng #258 Isla de Romero St.,  Quiapo, Maynila; Jonalyn Abo,36, ng #24 Alvarez St., Quiapo at Elwesa Cruz, 31, ng Quiapo, Maynila.

Sa ulat ni PO1 Jommel Banuelos ng Manila Police District-Station 3, habang nagpapatrolya sa nabanggit na lugar ang mga pulis ay namataan ang umpukan ng maraming tao na nag-uusisa at doon nasaksihan nila ang tatlong babae na nagkakagirian habang malalakas ang murahan at sigawan alas 4:30 ng hapon nitong Sabado...

Sinubukang awatin ni PO1 Banuelos ang tatlo subalit hindi pinapansin ang pulis kaya napilitang isakay na lamang sila ng iba pang kasamahang pulis sa dalang mobile patrol car.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with