^

Bansa

Lolong janitor inatado ng katomaan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay. , Philippines  — Kalunus-lunos ang kamatayang sinapit ng isang lolo na isang school janitor matapos pagtatagain ng lasing na nakaaway ng kanilang grupo sa inuman sa Sitio Bagong Baryo,Brgy.Tubli sa bayan ng Caramoran,Catanduanes kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din dahil sa tama ng taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Villamor Castro, 60-anyos, at residente ng Brgy. Sabangan habang sumuko naman sa rumespondeng mga pulis ang suspek na si Emilio Betchayda, 34-anyos, residente rin ng nasabing barangay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-6 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at mga kasamahan sa trabaho sa bahay ng isang Bernardo Sales kung saan naroon din at nag-iinuman ang grupo ng suspek.

Gayunman, habang nasa kasayahan ang lahat sa inuman biglang nagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawang grupo kung saan umalis sandali ang suspek pero pagbalik ay may dala na itong itak at pinagtataga ang biktima.

Dahil sa malaking takot walang nakakilos sa mga kasamahan upang saklolohan ang biktima hanggang sa ito’y malagutan na ng hininga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with