^

Bansa

Phl Media ‘accurate’ ang pagbabalita - US survey

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam sa ?10 Pilipino ang nagsabing ‘accurate’ o tama ang pagbabalita ng Philippine Media, base ito sa survey na ginawa ng Pew Research Center sa Amerika.

Lumabas sa survey na 86% ng mga Pinoy ang naniniwalang mahusay na ginagampanan ng mga mamamahayag sa bansa ang kanilang trabaho na maghatid ng makatotohanang balita at impormasyon sa publiko.

Sa nasabi ring survey ay 78% ng mga Pilipino ang nagsabing maayos ang pagbabalita ng mga media outlets sa mga isyung pulitikal sa bansa, 83% ang nagustuhan ang pagbibigay impormasyon ng mga news agencies sa mga balita na may kaugnayan sa mga pinuno at opisyal ng gobyerno.

Habang 87% ang nagsabi na maayos ang pagbabalita tungkol sa mga importanteng pangyayari sa loob ng Pilipinas.

Ginawa ang face-to-face interview sa 1,000 mga Pilipino na edad 18 noong ?February 26 hanggang May 8, 2017.

Lumabas din sa survey na sa buong mundo, tanging Pilipinas at Brazil lamang na ang mga kabataan ang nakatutok sa mga local news habang ang ibang mga bansa ay halos walang pakialam ang kanilang mga kabataan sa nangyayari sa kanilang kapaligiran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with