^

Bansa

Roque pinakakastigo sa CA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Roque pinakakastigo sa CA

Ayon kay Topacio na dapat na mamili si Roque kung nais ba nitong maging presidential spokesman o ipagpatuloy ang kanyang pagiging pribadong abogado.

MANILA, Philippines — Ipinagharap ng kasong indirect contempt sa Court of Appeals si Presidential Spokesman Harry Roque bunsod ng umano’y pag-abuso sa posisyon bilang tagapagsalita ni Pangulong Duterte nang sabihin nito na mali ang na­ging desisyon ng CA sa kaso ni dating Palawan governor Mario Joel Reyes.

Sa isang forum ay sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na walang karapatan si Roque na gamitin ang kanyang kapangyarihan bilang tagapagsalita ng Pa­ngulo para sabihing mali ang CA na nagbabaligtad sa naunang desisyon ng Regional Trial Court ng Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon kay Topacio na dapat na mamili si Roque kung nais ba nitong maging presidential spokesman o ipagpatuloy ang kanyang pagiging pribadong abogado.

Ipinagtataka nila kung sino ang kinakatawan ni Roque nang nagsalita ito tungkol sa kaso ni Reyes.

Magugunita na si Roque ay naging abogado ni broadcaster at environmentalist Gerry Ortega na pinatay bunsod umano ng kanyang matinding adbokasiya na tutulan ang pagmimina sa Palawan at ang dating gobernador ng Palawan ang itinuturing pangunahing suspek sa krimen.

Nakulong si Reyes dahil sa kaso ngunit kamakailan ay nagdesisyon ang CA na palayain ito at dito ay nagbigay ng pana­yam si Roque na makiki­pagkita siya kay Solicitor General Jose Calida at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II upang iapela ang desisyon ng CA para ipawalang-bisa sa finding of probable cause at pag-iisyu ng warrant of arrest ng Puerto Princesa RTC laban sa dating Palawan governor.

Aniya, tanging ang Puerto Princesa RTC lamang ang may sole authority upang tukuyin kung may probable cause sa Ortega slay case.

Pero sinabi ni Roque na humingi siya ng pahintulot kay Pangulong Duterte upang magbigay ng kanyang opinyon sa publiko hinggil sa isyu.

Naninindigan naman si Topacio na hindi ito dapat na ginawa ni Roque kung loyal ito sa Pangulo at nirerespeto ang kanyang posisyon.

Sinabi naman ni Ro­que na welcome sa kanya ang contempt case upang ma­ipaliwanag kay Reyes kung ano ang tungkulin ng punong ehekutibo.

vuukle comment

FERDINAND TOPACIO

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with