^

Bansa

Pay hike sa mga pulis iwas korapsiyon - NCRPO

Pilipino Star Ngayon
Pay hike sa mga pulis iwas korapsiyon - NCRPO

Sa ilalim ng Joint Re­solution, ang isang may ranggong Police Officer 1 (PO1) ay tatanggap ng P29,668 buwanang sahod na doble sa dati ng mga itong tinatanggap na epektibo na sa Enero 15, 2018. Philstar.com/File Photo

MANILA, Philippines — Dahil sa taas sahod na ipinagkaloob ni Pangu­long Duterte ay positibo si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Albayalde na mas maeengganyo na ang mga pulis na maging matapat sa kanilang mga tungkulin at makakaiwas na masangkot sa korap­syon.

Sa ilalim ng Joint Re­solution, ang isang may ranggong Police Officer 1 (PO1) ay tatanggap ng P29,668 buwanang sahod na doble sa dati ng mga itong tinatanggap na epektibo na sa Enero 15, 2018.

Nabatid na iprinayo­ridad ang mga PO1s upang higit pa ang mga itong maging pursigido sa pagseserbisyo sa publiko at maiwasan na ang mga ‘loan sharks’ o ang kaliwa’t kanang mga pautang kabilang na ang pagsasangla ng kanilang mga ATM.

Ang iba pang mga ranggo sa PNP ay makakatanggap din ng dagdag suweldo sa dalawang tranches na ang ikalawang umento ay epek­tibo naman sa Enero 15, 2019.

“Siguro naman po ‘yan ay isang magandang motivation na para sa ating mga kapulisan na tala­gang ‘di na gagawa ng katiwalian o kung anumang kalokohan,” pahayag ni Albayalde.

Ang isang bagitong pulis ay tatanggap ng halos P40,000 take home pay kada buwan kabilang na ang mga allowances ng mga ito.

Bukod sa PNP ay parehong dagdag suweldo rin ang matatanggap ng AFP, Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang mga uniformed personnel.

Sinasabing may na­ilaang P64.2 bilyong pondo ang pamahalaan para sa dagdag sahod ng mga pulis, sundalo at mga uniformed personnel ngayong 2018.

Samantala, inaasahan din ng Malacañang na ang pay hike para sa mga pulis ay magreresulta upang mas maging professional ang pulisya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dinagdagan ni Pangulong Duterte ang take-home pay ng mga pulis bilang pagkilala sa kanilang trabaho at upang hindi sila mahikayat na gumawa ng masama.

Para naman aniya sa mga tiwaling pulis, dapat na ang mga itong magbago dahil sa tinatanggap na suporta mula sa gobyerno.

vuukle comment

PAY HIKE

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with