^

Bansa

Pag-atake ng BIFF, nasilat

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Napigilan ng militar ang pag-atake sana ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Barangay Malagkit, sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon kay Captain Arvin Encinas, Spokesman ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa planong pag-atake ng BIFF kaya’t naka- posisyon agad ang mga sundalo.

Tinatayang tatlumpung miyembro ng BIFF sa pangunguna ng isang Commander Aguila ang dumaong sa Barangay Malagkit at agad na nagpaputok ng baril.

Gayunman, hindi na nakausad ang mga bandido dahil sinalubong na sila ng nakahandang militar.

Nagpakawala ng 81mm mortar ang mga sundalo sa mga BIFF.

Kaugnay nito, todo alerto na ngayon ang mga pulisya at militar sa nasabing bayan upang ‘di sila malusutan ng mga pangkat ng BIFF.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with