^

Bansa

Magkapatid grinipuhan sa lamay

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY --- Sa ospital ang bagsak ng magkapatid matapos na pagsasaksakin sa isang lamay ng isang ‘di natukoy na suspek na naka-alitan nila sa Sitio Poso, Brgy. Sinkatulan, Makilala, North Cotabato.

Kinilala ang mga sugatan na sina Rex Ricablanca Piloreana, 37-anyos at Richard
Piloreana, 25 taong gulang, kapwa residente ng Tulunan, North Cotabato.

Ayon kay PCI Johnny Rick Felongco Medel, hepe ng Makilala PNP, nangyari ang insidente alas-10:20 ng gabi nitong Miyerkules kung saan ang biktima at ang ‘di pa nakilalang suspek ay nagkainitan habang kasagsagan ng paglalaro ng ‘hantak’ sa isang lamay sa nasabing lugar.

Nagalit umano ang suspek dahil sa parati itong natatalo sa sugal kaya nagka-initan sila ng magkapatid na si Piloreana hanggang sa nagtalo silang tatlo.

Agad na kinuha ng suspek ang kutsilyo at pinagsasaksak ang magkapatid.

Ang nakakatandang si Piloreana ay nagtamo ng sugat sa leeg at sa labi nito habang ang
kapatid nitong si Richard ay nagtamo ng sugat sa ulo at kanang bahagi ng kanyang likod.

Agad namang dinala sa Makilala Medical Specialist ang dalawa na ngayon ay nilalapatan ng lunas.

Subject naman ng manhunt ang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with