^

Bansa

Pasaway na mga kawani ng BoC, binalaan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalaan ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang mga opisyal at kawani na kurap at sumusuway sa kanyang kautusan na may ‘paglalagyan’ umano sila.

Ang babala ay ginawa ni Lapeña matapos na bumuo ng Anti-Corruption Unit ang ahensiya bilang tugon na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang lahat ng uri ng korapsiyon sa BoC.

Ayon kay Lapeña ang Interim Internal Affairs and Integrity Unit ay pa­ngunahing mandato nito ay upang  sugpuin ang mga ilegal na gawain ng mga opisyal at kawani ng BoC na nagkakamal ng limpak-limpak na salapi  o pagsasamantala sa kanilang mga posisyon.

 Paliwanag ni Lapeña na tungkulin ng itinatag na Anti-Corruption Unit ay tanggapin, imbestigahan  at humanap ng mga ebidensiya patungkol sa mga reklamo laban sa BOC personnel.

Isasalang din ng binu­ong Anti-Corruption Unit sa lifestyle checks ang mga BoC personnel na inirereklamo at ito rin ang magsasagawa ng pag-aaral o rekomendasyon sa mga iniimbestigahan ng ahensiya.

Upang mapalakas ang mga kaso, ang binuong Anti-Corruption Unit ay tutulong ang Office of the Ombudsman, National Anti-Corruption Commission ng Office of the President at Revenue Integrity Protection Service ng  Department of Finance.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with