^

Bansa

Presyo ng bigas, ‘di apektado ng TRAIN-NFA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi magkakaroon ng pagbabago sa halaga ng bigas sa mga pamilihan sa bansa.

Ito ang tiniyak ni National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino sa kabila ng pangamba ng ilan na tataas ang halaga ng bigas dahil sa ipatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN

Sa Train law, tataas ang halaga ng petroleum products at ito ang gamit ng mga biyahero ng bigas para dalhin sa mga pamilihan.

Sinabi ni Aquino na mananatiling nasa P27.00 kada kilo ang NFA regular milled variety na bigas at  P32.00 kada kilo para sa NFA  well-milled variety.

Kaugnay nito, inatasan ni Aquino ang finance at operations departments ng NFA upang magsagawa ng  cost analysis sa epekto ng bagong tax law sa halaga ng bigas.

Binalaan naman ni Aquino ang mga rice traders na nagbebenta ng mga commercial rice na huwag sasamantalahin ang implementasyon ng bagong tax law sa presyuhan ng commercial rice dahil hindi naman aniya dapat magkaroon ng taas sa presyo ng bigas dahil sapat ang suplay nito nationwide.

“The NFA implements rice trading rules and regulations, therefore we can sanction any traders who will be violating our laws,” dabi pa ni Aquino.

Nanawagan din ang NFA sa publiko na makipagtulu­ngan sa NFA na iulat at ireklamo ang mga illegal activities sa bentahan ng bigas tulad ng  overpricing sa Hotline 8888, o sa NFA’s social media accounts: facebook.com/nfapublicaffairs; and Twitter and Instagram- @bigas_NFA. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with