Dengvaxia probe okay sa DOH
MANILA, Philippines — Walang nakikitang mali ang Department of Health sa isinasagawang imbestigasyon ng Public Attorney’s Office at ng Deparment of Justice sa kaso ng ilang pasyente na ang pagkamatay ay hinihinalang kunektado sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia. Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng forensic examination na isinagawa ng PAO sa mga labi ng mga pasyenteng namatay dahil umano sa dengue. Katunayan, handa pa umano ang DOH na tumulong para malantad ang katotohanan.
- Latest