^

Bansa

Singil sa kuryente bababa ngayong Enero

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Singil sa kuryente  bababa ngayong Enero

Sa kalatas ng Meralco, inianunsyo nitong bababa ng P0.5260 kada kilowatt hour (kwh) ang singil nila sa kuryente ngayong Enero dahil na rin umano sa pagbaba  ng generation charge ng P0.5277 per kwh o halaga ng kuryenteng binibili ng Meralco sa mga power producer.

MANILA, Philippines — Bababa ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Enero, 2018.

Sa kalatas ng Meralco, inianunsyo nitong bababa ng P0.5260 kada kilowatt hour (kwh) ang singil nila sa kuryente ngayong Enero dahil na rin umano sa pagbaba  ng generation charge ng P0.5277 per kwh o halaga ng kuryenteng binibili ng Meralco sa mga power producer.

Dahil naman sa naturang bawas-singil, bumaba rin ang overall rate ng Meralco sa P8.7227 per kwh na lamang mula sa dating P9.2487 per kwh noong Disyembre.

Nangangahulugan ito na ang isang typical residential customer na kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan ay makakaranas ng rate decrease na P105 sa kanilang total bill.

Nabatid na ito na ang pangalawang sunod na buwan na bumaba ang singil ng Meralco.

Matatandaang una nang nagbaba ng 38 sentimong singil sa kuryente ang Meralco noong Disyembre 2017 dahil sa mas mababang presyo ng kuryente.

Gayunman, sa susunod na buwan ay inaasahang magkakaroon din ng dagdag-singil sa kuryente dahil sa pagpapatupad ng bagong buwis.

vuukle comment

KURYENTE

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with