^

Bansa

Umento ng mga guro nasilat!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Umento ng mga guro nasilat!

Ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno, manga­ngailangan ng dagdag na P500 bilyon na pondo ang sinasabing planong umento para sa mga naturang guro.

Walang pondo - DBM

MANILA, Philippines — Kinontra kahapon ng Department of Budget and Management (DBM) ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na dagdag sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno, manga­ngailangan ng dagdag na P500 bilyon na pondo ang sinasabing planong umento para sa mga naturang guro.

Sinabi ni Diokno, uma­abot na sa kalahating tril­yong piso ang kabuuang sahod ng nasa 600,000 na public school teachers sa ngayon. Iginiit na hindi prayoridad ng ahensya ang dagdag-suweldo para sa mga guro sapagkat nakatuon pa ang kanilang konsentrasyon sa “Build, Build, Build” program ng pamahalaan at ang tulong para sa mga mahihirap.

Magugunita na mismong si Pangulong Du­terte ang nagpahayag kamakalawa na susunod na itataas ang suweldo ng mga guro kasunod ng mga sundalo at pulis.

Inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing na sunod na magkakaroon ng pagtataas sa kanilang sahod ay ang mga guro sa pampublikong paaralan matapos ang mga sundalo at pulis.

Ayon kay Sec. Roque, ito ay mapapaloob sa ikalawang tax reform package na balak ipasa ng administrasyon sa unang bahagi ng 2018.

“The president did not say how much the increase of the teacher’s salary but he said it should be done in second tax reform package,” paliwanag pa ni Roque sa Malacañang reporters.

Inihayag ni Roque na sa Cabinet meeting, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) at iba pang ahensya ng pamahalaan na hanapan ng paraan para maisakaturapan ang nasabing salary increase ng mga guro.

vuukle comment

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with