^

Bansa

Full implementation ng ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’ campaign, umarangkada

Pilipino Star Ngayon
Full implementation ng �Tanggal Bulok, Tanggal Usok� campaign, umarangkada
Umarangkada ang ginawang operasyon ng mga tauhan ng Inter Agency Council for Traffic (I-ACT), LTFRB at MMDA laban sa mga bulok at mausok na mga pampublikong jeepney sa may EDSA-Pasay kahapon. Bahagi ito ng ipatutupad na modernization program ng pamahalaan sa mga pampublikong sasakyan.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umarangkada na kahapon ang ‘full implementation’ ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT)  para sa ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign’.

Nabatid na sa transport  modernization program ang   lahat ng bulok at mausok na sasakyan ay huhulihin at papatawan na ng parusa ng I-ACT.

Unang tinarget ang mga pampublikong jeepney, bilang pagwalis na rin sa mga karag-karag at bulok na sasakyan.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Tim Orbos, head  din ng I-ACT, bukas naman aniya sila sa plano ng transport group partikular  na muling magra-rally kontra transport modernization.

Nabatid na sa full implementation kahapon ng I-ACT, isinagawa ang operasyon ng “Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign” sa area ng Southern Metro Manila.

Matatandaan na noong Lunes ay inilunsad ng I-ACT, MMDA, DOTR, LTO, LTFRB,  HPG at local government units ang naturang kampanya at nahuli ang nasa daan-daang  motorista dahil sa paglabag sa anti-smoke belching, dispalinghado ang mga spare parts ng kanilang sasakyan, paso ang mga lisensiya at hindi nakasuot ng uniporme.

Ang motoristang mahuhuli na lumabag sa naturang kampanya ay iisyuhan ng subpoena ng I-ACT para isailalim ang kanilang unit sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS).

Sakaling bumagsak ito sa MVIS, hindi na sila papayagang makapamasada.

vuukle comment

MMDA

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with