^

Bansa

‘Drug lord’ nilikida

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa umanong drug lord ang pinatay ng hindi pa nakikilalang mga armadong salarin sa isang pribadong lote sa Biñan City, Laguna nitong Martes.

Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Cecilio Ramos Ison Jr., dakong alas- 6:00 ng umaga ng madiskubre ang nakabu-lagtang bangkay ng biktima sa isang bakanteng lote sa Brgy. Zapote ng nasabing lugar.

Ang biktima na kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ay may nakalagay pang cardboard sa katawan na may mga nakasulat na katagang “huwag tularan, drug lord ako”.

 Ayon sa imbestigasyon, isang residente sa lugar ang nakakita sa nakabulagtang bangkay na may mga tama ng bala sa katawan kaya agad inireport sa mga pulisya ang insidente.

 Samantalang ilang hindi nakilalang kalalakihan ang nakita umanong tumatalilis sa lugar ilang minuto matapos ang krimen.

Kasalukuyan namang inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa droga ang pamamaslang sa nasabing mister.

Patuloy din ang imbestigasyon sa kaso upang matukoy ang motibo ng krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with