PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mister nabulunan ng betel nut, patay

MANILA, Philippines — Naging mitsa ng kamatayan ng 23-anyos na lalaki ang pagkain nito ng betel nut matapos itong mabulunan habang nagsasalita kamakalawa ng hapon sa Barangay Capagaypayan, bayan ng Luna, Apayao.

Idineklarang patay sa Far North Luzon Gene­ral Hospital & Training Center sa Quirino ang biktimang si Jomarie David Chica ng nabanggit na lugar.

Sa ulat ng Cordillera Police na naisumite sa Camp Crame, lumilitaw na nakikipagkuwentuhan ang biktima sa mga kabarkada habang kumakain ng betel nut nang mangyari ang insidente.

Bigla na lamang nabulunan ang biktima bunsod upang hindi ito makahinga na hinimatay pa.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero nabigo ng maisalba ang buhay nito.

“As per initial fin­dings of the physician, the cause of death is due to mechanical obstruction in the upper airway”, anang opisyal.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: