PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

College prof utas sa road mishap

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —  Napaaga ang  kamata­yan ng college professor habang sugatan naman ang misis at anak nito makaraang magpagulung-gulong ang kanilang sinakyang multicab sa kahabaan ng Davao – Cotabato Highway sa pagitan ng Bansalan at Digos City, Davao del Sur noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang namatay na si Dr. Antonino Costes, faculty ng College of Trade and Industry sa University of Southern Mindanao sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Habang sugatan naman ang misis nitong si Carmelita Costes, kawani ng Kabacan Water District at anak na si Ryan Costes na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

Ayon kay dating USM Prof. Antolin Bello, pauwi na umano ang mga biktima sakay sa service vehicle nang pumutok ang gulong kaya nawalan ng preno ang multicab.

Nagpagulung-gulong ang sasakyan kaya napuruhan ang nasabing guro dahil tulog ito habang nasa biyahe.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na bahay-pagamutan ang biktima sa Digos City at kalaunan ay dinala sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Si Costes ay namatay habang ginagamot sa ospital ala-1:00 ng madaling araw kahapon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: