PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pinas, 3rd ‘Happiest Country’

Ito ang tugon ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar matapos ideklarang 3rd “Happiest Country” sa buong mundo ang Pilipinas ng Gallup. File

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na lalong pagsisikapan ng administrasyong Duterte na mabigyan ng mas masayang buhay ang mga Pinoy sa pamamagitan ng malagong ekonomiya, effective governance at laganap na kapayapaan.

Ito ang tugon ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar matapos ideklarang 3rd “Happiest Country” sa buong mundo ang Pilipinas ng Gallup.

Sinabi ni Andanar na sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok ng bansa sa kasaysayan, napatunayan pa rin ng mga Pilipino ang matin­ding pag-asa at kasiyahan.

Pinatunayan din ito ani­ya ng 41st Annual Global End of the Year Survey na nagpapakita ng positibong karakter ng mga Pinoy.

Binigyang-diin pa ni Andanar na kahit pangatlo lang ang Pilipinas sa survey na may net rating na +84, ang mga Pinoy pa rin ang pinakamasaya­hing tao sa buong mundo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: