PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sisibaking mataas na opisyal hindi muna pangangalanan ng Malacañang

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban ng Malacañang ngayong Miyerkules ang pagpapahayag sana ng sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mataas na opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na nakatanggap siya ng text message ngayong umaga upang ipagpaliban ang kaniyang pagpapahayag na dapat sana ay ngayong araw.

Hindi muna ito sinabi ni Roque dahil hindi pa naipapadala ang opisyal na liham sa mataas na opisyal na sisibakin.

BASAHINSisibakin ni Digong na mataas na opisiyal, sasabihin ng Malacañang bukas

“I was told to hold it at ako naman po bilang abogado (and as a lawyer), I do not mind holding the information until there is something in writing,” sabi ni Roque.

“Actually, I pray for… siguro magkaroon muna ng kasulatan na paratingin muna sa tao bago i-anunsyo (I hope there will be something in writing to inform the person before the announcement),” dagdag niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tumanggi pa rin ang tagapagsalita na magbigay ng detalye sa opisyal at kung bakit siya sisibakin.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: