PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Income tax ng 2017 ‘di pa sakop ng TRAIN

MANILA, Philippines — Hindi pa rin sakop ng bagong Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act ang individual income ng tax payers noong 2017.

Ito ang paalala ni Leyte 2nd District Rep. Henry Ong kung saan ang kinita at sweldo ng mga tax payers ng katatapos lang na taon ay bubuwisan alinsunod sa lumang batas kapag nag-file na ng income tax returns o ITR bago ang Abril 16, 2018.

Kaya paliwanag ni Ong, ang mga apektadong indibidwal ay kailangang maghain ng ITR kahit pa epektibo na ang TRAIN Law.

Samantala, nangamba naman ang mambabatas sa maaring kaharaping problema ng mga indibidwal na hindi na kailangang maghain ng ITR.

Ito umano ay dahil kailangan ang ITR bilang requirement sa mga loans at iba pang bagay na kailangan ng proof of income.

Dahil dito, nanawagan ang mambabatas sa Bureau of Internal Reve­nue (BIR) na gumawa ng substitute requirement para rito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Base sa Republic Act 10963 o TRAIN Law, ang mga kumikita ng hindi lalagpas sa P250,000 kada taon ay hindi na kailangan pang maghain ng ITR.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: