PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong may sisibaking government, police officials

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, siya mismo ang inatasan ng Pangulo na mag-anunsiyo ng sisibaking government official sa araw na ito sa media briefing sa Malacañang. Presidential Communications, File

MANILA, Philippines — May sisibakin na isang mataas na opisyal ng gobyerno at ilang police officials si Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, siya mismo ang inatasan ng Pangulo na mag-anunsiyo ng sisibaking government official sa araw na ito sa media briefing sa Malacañang.

Kaugnay pa rin umano ito ng giyera ng administras­yon laban sa corruption.

“Ang pagsibak sa ma­taas na opisyal ng gobyernong ito ay bahagi pa rin ng anti-corruption campaign ni Pangulong Duterte,” dagdag pa ni Roque.

Aniya, bukod sa mataas na government official ay may sisibakin din na mga police officials na nasangkot sa iba’t ibang kaso.

Sabi ni Roque, dumaan sa due process ang mga police officials na sisibakin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Magugunita na ilang government officials na rin ang inalis ng Pangulo kabilang dito sina PCUP chairman Terry Ridon at DAP president Elba Cruz.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: