PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

P7.5-B halaga ng bakuna bibilhin ngayong 2018

MANILA, Philippines — Nakatakdang gumastos ng halos P7.5 bilyon ang administrasyong Duterte para sa bakuna ng halos tatlong milyong sanggol sa bansa.

Target ng 2018 public vaccination program na nagkakahalaga ng P7.43 bilyon na bakunahan ang 2.7 milyong sanggol ng Japanese encephalitis vaccine.

Mula sa naturang bilang, 1.4 milyon naman ang tuturukan ng pneumococcal vaccine.

Bukod sa mga sanggol, 2.1 milyong Grade 1 at 1.7 milyong Grade 7 ang mabibigyan ng anti-tetanus-diptheria at measles vaccines.

Babakunahan naman ng tetanus vaccine ang 2.7 milyong buntis, habang 1.2 milyong flu shots at 1.3 milyong pneumococcal vaccines ang ibibigay sa mga senior citizen.

Ayon sa Department of Health, ang isang full immunization para sa mga sanggol ay mayroong pangontra ng hepatitis, polio, pneumonia, tigdas, beke at rubella.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagbabala naman si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa gobyerno na iwasan nang maulit ang kontrobersyang idinulot ng P3.5 bilyon dengue vaccine.

“I know that they are, but the DOH must still go out of its way in assuring the public that next year’s vaccines meet the highest standards,” sabi ni Recto.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: