^

Bansa

Brgy. officials sa Caloocan pinakilos vs mga iligal na paputok

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigpit na inatasan ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang kanilang mga barangay chairman at iba pang opisyal na manguna sa pagkilos laban sa paggamit ng publiko sa mga ipinagbabawal na paputok ngayong pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa inilabas na memorandum ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, mahigpit niyang ipinagbabawa ang paggamit ng mga paputok na: “Atomic, big triangulo, Super Lolo, giant Whistle Bomb” at iba pang mga delikadong paputok.

Kabilang din sa ipinagbabawal ang mga lagpas sa timbang na 0.2 gramo ng black powder, “oversized”, mga sumasabog ng wala pang tatlong segundo o mas matagal sa anim na segundo, mga imported, at ang sikat na “Boga”.

Maaari naman umanong gamitin ang mga mas ligtas na paputok kabilang ang: “Sparkles, Luces, Fountains, Roman candle, Trampilo, at iba pang uri ng mga pailaw.

Pinapayagan naman na gamitin ang ibang uri ng paputok sa mga itatalagang “firecracker zone” sa mga barangay.  Kabilang dito ang: “Baby Rocket, Bawang, Small Triangulo, El Diablo, Judah’s Belt, Skyrocket at Kwitis, at iba pang paputok na pasok sa tamang timbang.

Ibinase ang kautusan sa isinasaad ng Republic Act 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers), City Ordinance No. 0648 series of 2016 at Presidential Order No. 28 na inilabas nitong Hunyo 2017 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with