PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

YEAR ENDER: Kontrobersyal na mga pahayag ng 2017

MANILA, Philippines – Naging makulay ang 2017 dahil sa iba’t ibang kaganapan sa bansa mabuti man ito o masama.

Heto ang ilan sa mga pinag-usapan na pahayag at humakot ng samu’t saring pambabatikos ngayong taon.

Alin sa mga ito ang pinakatumatak saiyo?

"Ako po ay biktima ng fake news" – PCOO Assistant Secretary Mocha Uson

Ito ang mga binitiwang salita Uson nang dumalo sa pagdinig ng senado kaugnay sa pagpapalaganap ng “fake news.” Marami ang umalam dahil  si Uson umano ang tinaguriang “fake news queen” dahil sa pagkakalat ng maling impormasyon sa social media.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“I have the right to... I have the right, ano po? I have the right against self-discri-ano… against self-incrimination. Pasensya na” - PCOO Assistant Secretary Mocha Uson

Pinagpiyestahan din ng netizens ang pagkakamali ni Uson nang muntik nang maging self discrimination ang kaniyang masabi.

"Yung depression, gawa-gawa lang ng mga tao iyan. Gawa nila sa sarili nila" - Joey de Leon

Inulan din ng batikos ang longtime Eat Bulaga host dahil sa kanyang naging komento tungkol sa depresyon. Kaagad namang naglabas ng public apology ang beteranong host iknatuwa rin ng marami.

“Sir kahit isang hollow block magbalibag naman kayo para paano lang pakagat lang ganoon. Si Pia na lang. Pia Rañada sir.-  RJ Nieto

Ito ang sinabi ni “Thinking Pinoy” blogger RJ Nieto sa kanyang programa sa radyo nang makapanayam si Presidential spokerson Harry Roque. Aniya sampolan naman ng tagapagsalita ang bantang mambabato ng hollow block. Sinabi ni Nieto na si Rappler journalist Pia Rañada ang unahin.

Nagsampa naman si Rañada ng kaso laban kay Nieto.

“In the street language when you have children and you are single, ang tawag doon e, na-ano lang” – Sen. Tito Sotto

Muling nasangkot ang isa na namang “Eat Bulaga” host sa ngalan ni Sen. Tito Sotto matapos niyang buruin ang pagiging single parent ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo.

Binaggit ito ni Sotto sa confirmation hearing ng ng Commission on Appointments.

Whoooooo! ASEAN lane here I come!” - Maria Isabel Lopez

Pinagpiyestahan naman sa social media ang Facebook post ng beteranang akters noong kasagsagan ng ASEAN Summit.

Inalis ni Lopez ang barrier ng ASEAN lane sa kahabaan ng EDSA upang makadaan. Nakatalaga ang naturang lane para sa mga delegado ng ASEAN. Patung-patong na violations ang kinaharap niya kabilang ang two-year cancellation ng kanyang driver’s license.

Hindi naman papahuli ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kadalasan ay laman ng balita at umaani ng kritisismo mula local at international communities.

“Eh sa limang salita, dalawa lang ‘yung tama niyan, ‘yung tatlo puro kalokohan ‘yan.

Inamin ng pangulo na hindi lahat ng nanggagaling sa kanyang bibig ay totoo, at ang ilan ay biro lamang.

"I will just be happy to hang you. If I have the preference, I'll hang all of you ... You are putting us down. You are exerting pressure in every country with the death penalty."

Ito ang naging banta ng pangulo sa mga Europinian officials kaugnay ng pagtutol at pagkondena sa anti-drug campaign ng kaniyang gobyerno.

“Sabi ko, ‘Just give me an affidavit and I will step down as President of this Republic’”

Muling nag-alok ng pagbaba sa pwesto ang pangulo at sa pagkakataong ito ay kung mapatutunayang sangkot ang kaniyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa P6.4 bilyon shabu shipment mula China na dumaan sa Bureau of Customs.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: