^

Bansa

Batang lalaki, lolo naputulan ng daliri sa whistle bomb

Pilipino Star Ngayon
Batang lalaki, lolo naputulan ng daliri sa whistle bomb

MANILA, Philippines — Umabot na sa 29 ang naitalang firecracker related injuries ng Department of Health (DOH) sa kabila ng pagbabawal ng gobyerno sa mga paputok.

Nadagdagan ng 15 ang naunang bilang, kabilang ang isang 12-anyos na batang lalaki sa Talisay City, Negros Occidental na naputulan ng daliri dahil sa whistle bomb.

Ayon sa DOH, palaging nagpapaputok ang batang lalaki na dinala sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital.

Isa namang, 62-anyos na lalaki sa Quezon City ang naputulan din ng daliri dahil rin sa whistle bomb.

BASAHIN: Pailaw imbis na paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon – DILG

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang lolo na kanang kamay ang nasabugan.

Nagsimulang magtala ang DOH ng mga biktima ng paputok nitong Disyembre 21.

Anila, mas mababa ng 59 percent ang bilang ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2016.

Ipinagbabawal na ang paggamit ng mga paputok, habang hinayaan naman ang paggamit ng mga pailaw.

Hinikayat ng Interior and Local Government ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa na lamang ng community fireworks display.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with