^

Bansa

NDRRMC: 164 patay, 176 nawawala kay ‘Vinta’

Pilipino Star Ngayon
NDRRMC: 164 patay, 176 nawawala kay �Vinta�

MANILA, Philippines — Nasa 164 katao ang nasawi, habang 175 ang nawawala matapos manalasa ang bagyong “Vinta” sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Martes.

Mula sa naturang bilang, 75 ang namatay sa Region 10, habang 65 sa Region 9 at 24 naman sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Pinaghahahanap naman ng mga awtoridad ang 176 katao kung saan anim dito ay sina Jino Agapay Lacaza, Elizabeth Alferez, Nelgine Alferez, Jonjie Duriaz, Cornelio Alferez at Benjo Apigo.

Sinabi ng NDRRMC na patuloy ang “validation and verification” ng mga nasawi at nawawala dahil sa bagyo lalo na’t maaaring nagkaroon ng doble-doble bilang.

Umabot ng P167,710,000 ang halaga ng pinsala sa impastraktura sa Region 9 at 10, dagdag ng NDRRMC.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with