^

Bansa

Digong sa pagbibitiw ni Pulong: Napuno na siguro

Pilipino Star Ngayon
Digong sa pagbibitiw ni Pulong: Napuno na siguro

Vice Mayor Paolo Duterte, the President’s eldest son, invoked ‘delicadeza’ in quitting his post.

MANILA, Philippines — Nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagbibitiw sa pwesto ni Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte.

Sinabi ng pangulo na hindi niya hinimok ang anak na bumaba sa pwesto bagkus ay suporta na lamang ang kaniyang ibinigay,

“Sabi ko sa kanya, ‘You are in a position to do what is right. Kung ano lang ang tama sa iyo, gawin mo,’” wika ni Duterte nang kausapin ang anak.

BASAHIN: Digong alam ang planong pagbibitiw ni Paolo

“Napuno na siguro... Sabi ko, ‘Well, let the people decide,” dagdag niya.

Inihayag ni Pulong sa araw mismo ng Pasko ang kaniyang pagbaba sa pwesto dahil sa kontrobersya na kinasangkutan niya.

Nabanggit ang pangalan ng presidential son sa P6.4 bilyon shabu shipment mula China na dumaan sa Bureau of Customs. Nakasagutan pa niya ang kaniyang anak sa social media.

BASAHIN: Paolo Duterte nagbitiw

"These among others, include the maligning of my reputation in the recent name-dropping incident in the Bureau of Customs smuggling case and the very public squabble with my daughter," wika ng 42-anyos na anak ng pangulo.

Tulad ng kanilang ama, sinuportahan na lamang din ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang naging desisyon ng kapatid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with