^

Bansa

Kalmot ng aso, pusa nakamamatay – DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakamamatay ang kalmot ng aso at  pusa kayat kailangang pabakunahan ang mga alagang hayop.

Ito ang sinabi ni Dra Ma. Glofezita Lagayan, veterinarian ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA) nang ilunsad ang “Rabies Free 2020” app na layuning bigyang proteksiyon ang mamamayan mula sa animal rabies sa bansa.

Sa pulong balitaan sa QC, sinabi ni Lagayan na kailangang mapabakunahan ng mga pet owners ang kanilang mga aso, pusa at iba pang alagang hayop upang maiwasang magkaroon ng rabies. Aniya, may mga namatay na hindi lamang sa kagat ng aso o pusa kundi gayundin sa pagkalmot lamang ng pusa at aso sa mga tao.

“Importante po talaga na mapabakunahan natin ang ating mga alagang hayop. May mga cases po na namatay ang nakalmot lamang ng aso o pusa. Ito po ay nangyari dahil hindi nakapagbakuna ang alaga nila, nilalawayan ng mga aso o pusa ang kanilang mga daliri at naiiwan po sa daliri ang rabies at oras na maikalmot ito sa tao, para na rin siyang nakagat ng aso o pusa na may rabies” pahayag ni Dra. Lagayan.

Higit na nabibigyan umano ng pansin ang paglutas sa problema sa rabies dahil sa dumada­ming kaso nito taun-taon na umaabot sa 250 katao ang namamatay dahil dito.

Sa ngayon aniya, ang Regions 3, 5 at 9 ang may pinakamaraming kaso ng rabies.

Alinsunod sa umiiral na batas, may penalty na P2,000 kada isang aso o pusa na hindi pa nakakakunahan at multang P500 sa bawat event na makaalpas ang alagang hayop.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with