^

Bansa

PNP nakaalerto sa CPP anniv

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinailalim na ng Philippine National Police (PNP) sa ‘high state vigilance’ ang 185,000 malakas na puwersa ng kapulisan sa bansa laban sa nakaambang mas matitindi pang pag-atake ng  Communist Party of the Philippines (CPP) kaugnay ng pagdaraos ng mga ito ng ika-49 taong anibersaryo sa darating na Disyembre 26.

 “We are the offensive mode versus communists terrorists . The PNP high command has mobilized all its tactical and maneuver units for a coordinated offensive alongside the AFP against remaining guerillla fronts of the communist NPA,” pahayag ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos.

 Sinabi ni Carlos na hindi na hihintayin pa ng PNP na umatake ang NPA at pangungunahan na ang opensiba laban sa teroristang grupo katuwang ang AFP.

Ayon kay Carlos, minobilisa na ng liderato ng PNP ang lahat ng kanilang tactical and maneuver units para sabayan ang pagtugis ng militar sa mga terorista. 
Nagpalabas na rin aniya ng alerto ang PNP headquarters sa lahat ng PNP units na paghandaan ang inaasahang paghahasik ng kaguluhan ng mga teroristang New People’s Army (NPA) ang armed wing ng CPP.
Sa memorandum na inilabas ni Dir. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Director for Operations, inatasan ang lahat ng police units na maglunsad ng countermeasures sa posibleng pag-atake ng NPA at palakasin ang “enforcement, security and safety” activities. 

Base aniya data ng PNP, ang CPP-NPA ay regular na naglulunsad ng mga pag-atake sa panahon ng kanilang anibersaryo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with