^

Bansa

Death toll kay Urduja: 46 na

Pilipino Star Ngayon
Death toll kay Urduja: 46 na

Sinabi ni Chief Inspector Ma. Belle Rentuaya, spokesperson ng Police Regional Office 8, na sa Eastern Visayas lamang ay umaabot na sa 42 katao ang nasawi. Facebook/Biliran Island 

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 46 katao ang nasawi at 86 ang nasugatan habang 33 pa ang nawawala sa pana­nalasa ng bagyong Urduja sa Eastern Visayas Region, ayon sa pinagsamang ulat ng mga opisyal kahapon.

Sinabi ni Chief Inspector Ma. Belle Rentuaya, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 8, na sa Eastern Visayas lamang ay umaabot na sa 42 katao ang nasawi.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) Region 8, kabilang sa mga nasawi ay 28 sa landslide sa Biliran, 6 sa Leyte, dalawa sa Samar, tatlo sa Eastern Samar, isa sa Tacloban City; Leyte at dalawa  sa Ormoc City.

Iniulat naman ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) na namatay sa landslide sa San Fernando, Romblon ang mag-asawang sina Matilde at Masoline Romero; pawang 60 anyos samantalang isa ring ginang ang nasawi sa Camarines Norte at isa pa ay nalunod sa Planas, Masbate.

Naitala ng OCD Region 8 at ng iba pang mga lalawigan na apektado ng hagupit ni Urduja ang pagkasugat ng aabot sa 86 katao habang 33 na lamang ang nawawala.

Gayunman, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan na nakarating na ulat sa kanilang tanggapan ay 26 ang nasawi, 46 ang sugatan at 34 ang nawawalang biktima.

Sa Biliran, natabunan ang ilang mga kaba­hanan sa Brgy. Lucsoon, Naval at Brgy. Cabibihan, Caibiran kung saan maraming residente ang nasawi sa delubyo ni Urduja. Kinukumpirma pa kung kabilang sa mga nasawi ang isang pulis na nilamon ng lupa sa Biliran.

Samantala, kabilang sa mga nawawala ay ang tatlong mangingisda sa Balangiga at Lawaan; pawang sa Eastern Samar na kinilalang sina Alfredo Berroja ng Balangiga ; Rogelio Gamalo, 23 at Pepito Garcho Jr., 26 ; pawang ng Lawaan.

Naitala na aabot sa 263 lugar sa Regions VI at VIII ang dumanas ng mga pagbaha bagaman humupa na ang 38 sa mga apektadong lugar sa Region VI.

 Nasa 4,327 pamilya ang puwersahang inilikas sa Samar, Northern Samar  at Eastern Samar; pawang sa Region VIII. Nasa 96,908 pamilya naman o kabuuang 248,790 katao ang apektado ng bagyo sa 964 barangay sa Regions V,VI, VII,VIII at CARAGA. 

Sa nasabing bilang, nasa 112,637 katao ang nananatili sa mga evacuation centers habang ang iba ay nakikituloy sa kanilang mga kaanak sa mga ligtas na lugar.

Nagpunta na kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Biliran upang personal na tingnan ang sitwasyon at matulungan ang mga residente na naapektuhan ng bagyo.

Pangako ng Pangulo, pabibilisan niya ang pagsasaayos ng mga mga napinsala kabilang na ang tulay sa Biliran dahil kay Urduja.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with