^

Bansa

60 pulis-Caloocan na sumabak sa re-training, balik NPD na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakabalik na sa Northern Police District (NPD) ang nasa 60 pulis na dating mga tauhan ng Caloocan City Police makaraang makapagtapos na sa kanilang “re-training” sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

 Kasalukuyan na nasa District Holding Unit muna ang mga pulis habang inaalam pa ang kanilang mga pinal na designasyon kabilang ang posibleng pagbabalik nila sa Caloocan City Police.

 Ang naturang mga pulis ay ilan sa mga nakapasa sa tatlong buwang re-training na ibinigay sa kanila ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) makaraang sibakin ang kabuuang 1,076 na puwersa ng Caloocan City Police dahil sa pagkakasangkot sa sari-saring kontrobersya.

 Una nang sinabi ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo na maaaring mabalik ang mga dating tauhan ng istasyon depende sa resulta ng kanilang pagsasanay. Sinabi rin nito na kailangan rin ang karanasan at expertise ng mga dating tauhan lalo na sa imbestigasyon.

 Isang dating pulis-Caloocan na tumangging magpabanggit ng pangalan ang nagkumpirma ng re-assignment nila sa NPD matapos ang kautusan na inilabas ni NCRPO Director Oscar Albayalde nitong Disyembre 5. Sa kabila nito, hindi pa naman ibinabalik sa kanila ng custodian ng NCRPO ang kanilang mga service firearm.

 Una nang naiulat na sa 1,076 pulis na sumailalim sa pagsasanay, nasa 104 sa kanila o 9.66% ang bumag­sak dito habang ang iba ay tuluyan nang hindi nag-report sa NCRPO. Nasa 972 ang tuluyang nakapasa sa ibinigay na “Focused Reformation, Re-orientation and Moral Enhancement Training.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with