^

Bansa

Italiano dinale ng Ativan Gang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Italian national ang nabiktima ng limang miyembro ng “Ativan Gang” at natangayan ng mahigit P.1 milyon halaga matapos kaibiganin at yayaing ma­nanghalian sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Sa reklamong idinulog sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section ng biktimang si Gianluca Cernigliaro, 36, pansamantalang nanunuluyan sa Z Hostel na sa No. 5660 Barangay Poblacion, Makati City, nakipagkilala sa kanya ang isang babae at ipinakilala din ang isang lalaki na kapatid niya habang siya ay namamasyal sa Luneta Park ala-1:00 ng hapon nitong Disyembre 15.

Nang makapalagayang loob ay pinaunlakan ng dayuhan ang dalawa nang yayain siyang magtungo sa Chinatown at magsimba sa Binondo Church hanggang sa alukin na naman siya na kumain ng tanghalian sa isang lugar sa Caloocan.

Sumakay umano sila ng light rail transit (LRT) at nagtungo sa isang restaurant sa Caloocan kung saan kumain at nag-inuman pa ng beer at doon ay tatlo pang babaeng suspek ang dumating at naki-join sa kanila. Hanggang sa hindi na namalayan ng biktima ang mga pangyayari dahil sa pagkahilo at nang bumalik ang ulirat ay bumibiyahe na siya sakay ng taxi, at saka niya naalala na itinutulak siya papasok sa isang taxi ng mga suspek kaya siya naroroon.

Nang kapain ang wallet, wala na ang kanyang Visa debit card at cash kaya nang makarating sa hotel ay agad nag-check ng kanyang Visa debit account sa online at natuklasang nagkaroon na ng dalawang withrawals, na ang isa ay sa Banco De Oro sa Arranque, Claro M. Recto Branch sa Maynila at isa sa BDO-Caloocan Branch na ang kabuuan ay umabot sa P193,128.Sa rouge galley, nakilala niya ang dalawang suspek na sina Analyn Castro Y Cama at isang James Soriani Y Fuentes habang ang 3 iba pa ay hindi pa kilala. Sinabi ni PO3 Alonzo Layugan, may hawak ng kaso, ang mga itinurong suspek ng  biktima ay kabilang sa notoryus na Ativan Gang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with